YUMI: We’ll see. Ako naman. Did you ever have doubts about your sexuality? I mean, kahit minsan ba, naisip mo na bakla ka?
JIGS: Never.
JANINE: Bilis ng sagot a.
JIGS: Coz I never entertained the idea.
JANINE : Homophobe ka ba?
JIGS: Alternate tayo sa tanungan, di ba?
YUMI: So, not once? Kahit konti? Kahit what if lang?
JIGS: Im straight, okay?
YUMI: Im not asking if you’re gay or not. Im asking kung…
JIGS: Never nga.
YUMI: We all thought na you were gay. Well at least nung first few months mo sa tropa before you introduced your girlfriend to us.
JIGS: What?! You thought I was gay?!
YUMI: E pano kasi, masyado kang mabait. Ang pogi-pogi mo, pero parang allergic ka sa mga babae. Over ang pagiging gentleman mo. Too good to be true. You have a good body, it seems that you work out pero iniisip namin front mo lang yun. Kadalasan kasi front ng mga bakla ang pagiging maganda ng katawan nila at pagiging sporty…
Tatawa lang si Jigs.
YUMI :So we thought its either that or you were
planning to become a priest.
JIGS: What?!
YUMI: Well, you were always this goody-goody person. Pumupunta ka sa chapel. Nangungumpisal, nagsisimba…
JIGS: The way you said it, parang equivalent ang dalawa a.
YUMI: Of course not. I didn’t mean that!
JIGS: I take my faith seriously. That doesnt make me gay!
YUMI: So you did want to become a priest…
JIGS: Hindi rin. Actually, I always wanted to raise a family…and be a father.
Tahimik.
YUMI: So you’re not gay.
JIGS: No.
YUMI: You never…
JIGS :Ilang beses ka ba ipinanganak? Kulit mo e. It’s my turn.
YUMI: Homophobe ka no?
JIGS: Hindi kaya!
YUMI: Whatever…
JIGS: Ako na, daya mo naman e.
YUMI: Okay, okay. Shoot me.
JIGS: How do you see yourself five years from now?
YUMI: You expect to win this game? Ang kokorni ng mga tanong mo e.
JIGS: The object of this game is not to win.
YUMI: E ano pa ba?
JIGS: To get to know the other person.
YUMI :Sure. Basta ako, I will win this game. Walang thrill ang isang game kung walang nananalo.
JIGS: Sagot.
YUMI: May time limit ba to? (Tatawa) Wine pa nga.
JIGS: Sabi nga nila: in vino veritas.
Magsasalin si Jigs ng wine.
YUMI: Masarap ang wine, ha? Saan kaya nabili ito? (Iinom) To answer your question, either maging entrepreneur ako, magsisimula ako ng sarili kong botique or bar, o kaya, magiging artista ako sa pelikula.
JIGS: Not bad.
YUMI: Pero mukhang malaboyung stint ko sa movies. Tough ang competition e. Saka mahina ang manager ko. Panay hosting at pictorials ang nakukuhang raket para sa akin. Papalitan ko na nga e. Pag nakaipon ako, baka magtayo na lang ako ng botique.
JIGS: (Magbibiro) Ayaw mo mag-bold?
YUMI: Yuck!
JIGS: Lahat ng gustong mag-artista doon dumadaan.
YUMI: May talent naman ako kahit papano a!
JIGS: Lahat naman ng bold star may talent a! Sa dibdib! (Tatawa)
YUMI: (Hahampasin ng unan si Jigs) Bastos ka talaga! Akala ko goody-goody ka..Hindi ko papatulan ang pagbobold kahit anong mangyari no! Kahit ganito ako, may respeto pa rin naman ako sa sarili ko.
JIGS: Ganito? Anong ganito?
Di sasagutin ni Yumi ang tanong.
YUMI: These producers think all the people want is sex, sex, sex! Kaya puro basura ang mga pelikula e. Wine pa nga!
JIGS: (Magsasalin ng wine) Bakit naman botique?
YUMI: Hoy madaya ka na ha? Hindi pa ako lasing. Ako nang magtatanong. Ang korni mo namang magtanong. Bigatan naman natin nang konti…Inom ka muna.
Iinom si Jigs. Magsasalin siya ng bago.
YUMI: Who was your first crush in the barkada? Tahimik.
YUMI: Haha! Bingo ka no? Bagal mo naman sumagot.
Iinumin ang wine. Magsasalin ng bago.
JIGS: Lalaki o babae?
Tatawa sila pareho.
YUMI: Dapat may time limit ito e.
Tahimik.
JIGS: Hirap naman ng tanong mo.
YUMI: Iyon nga ang maganda e. Para may thrill. As if naman ibo-broadcast ko sa barkada kung sino.
JIGS :Wine pa?
YUMI: Di mo pa sinasagot yung tanong ko, nagtatanong ka na!
Magsasalin ng wine si Jigs kay Yumi.
JIGS: Yung crush ko kasi…siyempre, sino pa ba? E di yung pinakamaganda sa barkada.
YUMI: cno nga?
JIGS: Yung literally na may dating. walang tanung-tanong. Yung kahit sinong tanungin mo sa tropa, objectively, siya ang isasagot.
YUMI: Jigs, twenty questions ang game natin. Hindi guessing game. C’mon man. Play your own game. Pano na kung truth or dare to e di pahirapan na. Dadalawa na nga lang tayo e.
JIGS: Yung commercial model.
Matitigilan si Yumi.
YUMI: Wine pa nga.
Magsasalin si Jigs.
Mag-iisip si Yumi. Iinom.
Biglang matatawa.
YUMI :(Tumatawa pa rin) Talaga?
JIGS: Sige, pagtawanan ba?
YUMI: You can say it to my face, I wont bite. Bakit hirap na hirap kang sabihin kung sino? Takot kang ma-reject? Parang tanong lang e…Wine pa nga!
JIGS: Okay, 1 point ka na…
YUMI: (Ngiti) Gee…thanks. Flattered naman ako. At kailan naman nangyari ito?
JIGS: Sorry, my turn to ask. (Ngingiti) Who is your crush in the barkada…NOW?
YUMI: E ginaya mo lang yung tanong ko e.
JIGS: Hinde no. May qualifier ako. Ang sabi ko, NOW. Ang tanong mo, first crush ko.
YUMI: Korni pa rin. Alam mo, kung basketball to, tambak ka na.
JIGS: Just answer the question.
YUMI: Siyempre wala. I told you, I don’t have time for these stuff. Kakabreak ko lang di ba?
JIGS: Korni mo namang sumagot.
YUMI: E korni yung tanong e. Pero kung talagang-talagang kailangan kong sumagot…hmmm…teka…sino nga ba? Sino bang crush material sa barkada? Wala akong maisip e. Ikaw na lang.
JIGS: Yung seryoso naman.
YUMI: Seryoso ako. Ayaw mo yata e. Sige, iba na lang…
JIGS: E napipilitan ka lang e.
YUMI: Uy! Pano ba yan? MU na tayo? Crush mo ko, crush kita…yiheee (Tatawa).
JIGS: Dati pa yon no!
YUMI: Ay? Di mo na ko crush? Bakit, na turn-off ka? Ano namang ginawa ko? Tsk. Tsk.
JIGS: Is that your question na?
YUMI: Oy, hinde! Ito naman…di ba pwedeng mag-follow-up?
Iinom ng wine si Jigs.
YUMI: Fine. Here’s a little juicy question: Describe your first kiss.
JIGS That’s not even a question.
YUMI: Arte mo. O, How was your first kiss like?
Matatawa si Jigs.
JIGS: Wet.
YUMI: Yuck!
Magtatawanan sila.
JIGS: Alam mo, aksidente yung first kiss ko. Close kasi kami nung isa kong kaibigan. Pag naggu-goodbye ako sa kanya, parati ko siyang kini-kiss sa noo. E one time, sa gym habang nagpapahinga, nakaupo siya sa sahig. Tinatamad siyang tumayo. So bumaba ako nang konti para halikan siya sa noo kasi pauwi na ako. E siya naman, para maabot ko, medyo tumingala. E sakto, sa lips ko siya nahalikan. Pareho kaming nagulat. Pero di pa kami
naghiwalay agad. Weird nga ang feeling e. Parang may glue. Ayaw na namin maghiwalay pareho… Tawa pa rin si Yumi
YUMI: Awww. Ang sweet naman. Parang sa pelikula. Si Krissy ba to?
JIGS: Hindi. Hindi mo siya kilala.
YUMI: So what happened? Nagkatuluyan kayo?
JIGS: Nope.
YUMI: Ha?
JIGS: Ewan ko ba. Complicated kasi yung situation namin e. May boyfriend siya noon. Ako naman, takot pa sa isang relationship. Pero at least, na-discover namin na pareho pala kaming may gusto sa isa’t isa. Pero hanggang doon na lang.
YUMI: What happened after?
JIGS: We talked about it. We both decided na it wont work. Tapos, bigla na lang, hindi na kami nagkikita. And then, I met you guys, iba na ang barkada ko.
YUMI: Nakakatuwa naman.
JIGS: Ikaw, pano yung first kiss mo?
YUMI: Ikaw ang nagturo sa akin ng game na ito di ba? Bakit ba lagi mong bini-break ang rules? Di mo na pwedeng tanungin yan!
JIGS: Tine-testing ko lang kung lasing ka na. (Iinom ng wine) Okay, naka-warm-up na ako: What was the naughtiest thing you ever did?
YUMI: Yan ang mga tanong! Ano bang ibig mong sabihin ng naughty?
JIGS: Bahala kang mag-define.
YUMI: Hmmm…marami e…(matatawa) baka maeskandalo ka.
JIGS: Kanina ayaw mo ng korni. Ngayong medyo exciting naman…
YUMI: Eto na…I had two boyfriends at the same time.
JIGS: (Nagulat) Hala.
YUMI: I was with Joel and Zach at the same time.
JIGS: Yikes. Alam ba ni Joel?
YUMI: Kaya nga kami naghiwalay nun e. Nahuli ako (matatawa).
JIGS: Ano namang pumasok sa kukote mo’t ginawa mo yon, aber?
YUMI: Nag-eexperiment lang ako. E sa type ko sila pareho e. Anong magagawa ko? Saka para may thrill. Alam mo yon? Yung patago kang nakikipag-date sa isa para di mahuli. Everyday pa akong nakakalibre, kasi, alternate sila! (Tatawa) Akala nyo kayo lang mga lalaki ang pwedeng gumawa non?
JIGS: How can you love two guys at the same time?
YUMI: Who said something about love? Walang kinalaman ang love dun. I was…having fun!
JIGS: Nainlove ka na ba, ever?
YUMI :Nakakailang tanong ka na? It’s my turn.
JIGS: Don’t you want to answer the question anyway?
YUMI: My turn!
JIGS: Kulang ka pa sa wine. (Tatawa) Ubos na ang unang wine bottle. Kukuha si Jigs ng isa pa sa ref.
JIGS: Ang bilis nating uminom a.
YUMI: Are you still a virgin?
JIGS: Whoa! Where did that come from?
YUMI: That’s my fourth question.
JIGS: (Magsasalin ng wine sa mga baso). Ano sa tingin mo?
Ngingiti si Jigs. Tititigan lang siya ni Yumi.
YUMI: Don’t tell me, wala pang nangyayari sa inyo ni Krissy hanggang ngayon? Ilang taon na ba kayo?
JIGS: Mag-tu-two years na sana next week.
YUMI: So virgin ka pa? I don’t believe it!
JIGS: Mukha ba akong tarantado?
YUMI: Mukha kang nagpapaiyak ng babae e.
JIGS: Insulto ba yon?
YUMI: Compliment yon, tanga.
JIGS :Ah, okay. Thanks.
YUMI: Pero, you mean, you never felt the urge to do it?
JIGS: Alin? Sex?
YUMI :Wow! Nasabi rin niya!
JIGS: Of course I always feel it. Natural lang yon sa tao no? Nasa iyo na lang yan kung anong gagawin mo sa urge na yon.
YUMI: E natural naman pala e. Bakit mo pinipigilan? I mean, pag naiihi ka, iihi ka. Pag nagugutom ka, kakain ka. Pareho lang yon, di ba?
JIGS: Pag naiihi ka, iihi ka dahil kailangan mong umihi. At hindi ka iihi kahit saan. Pupunta ka sa banyo. Pag nagugutom ka, kakain ka dahil kailangan. At hindi mo kinakain ang lahat ng pagkain na ihain sa iyo. Pag di ka gutom, di ka kakain. Pag di mo gusto yung pagkain, di mo gagalawin. Ang aso, pag may nakitang pagkain diyan, walang tanung-tanong. Lalamon yan.
YUMI: And sex is the same?
JIGS: Lahat ng bagay, nilalagay sa lugar. May context. At least, yun ang nagpaiba sa atin sa aso.